Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko

Ano nga ba ang paleolitiko,neolitiko,panahon ng metal?
Blog by Jade Michael S.Dura
November 5,2020

Una ang Paleolitiko.

Ang paleolitiko ay patungkol sa mga taong kweba katulad ng neanderthal,cro magnon at dito rin nadiskubre ang paggamit ng apoy at pangangaso.Ang pagpapahalaga ng paleolitiko sa kultura ay ito ay dito natuklasan ang apoy at ang kahalagahan ng apoy sa kultura ay ito ay ginagamit panggawa ng ilaw at ginagamit rin sa pagluto ng pagkain at iba pa.

Pangalawa ay Neolitiko

Ang neolitiko ay may permanenteng tirahan at dito nadiskubre ang paggawa ng palayok,at dito rin nadiskubre ang mga taong gumagamit ng makikinis na bato.Ang pagpapahalaga ng neolitiko sa kultura ay dito nadiskubre ang paggawa ng palayok at ang kahalagahan ng paggawa ng palayok ay para ang mga tao ay may magamit sa pangkabuhayan nila.

Ang panghuli ay Panahon ng Metal.

Sa Panahon ng Metal,dito madidiskubre ang mga gamit na gawa sa metal at bronse katulad ng espada,kutsilyo,sibat,palakol,pana at ang mga ito ay ginagamit sa digmaan kaya nanalo sila.Ang pagpapahalaga ng panahon ng metal sa kultura ay dito natuklasan ang metal at ang kahalagahan ng metal ay pwede ito gamitin panggawa ng anumang bagay at iba pa.

Patanong.
Ano ang iyong natutunan sa aking ginawa na blog?

Comments

Popular posts from this blog

Yugto ng Pag-unlad sa Kultura sa Panahong Prehistoriko.